Pilipino Ka Ba?

Nagulat ako na natuwa na kahit papano e hindi pala ako nag-iisa sa mga taong may pakialam pa rin sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Paano ba naman kasi sa mga pagkakataon na maaari mong maipakita at maipagmalaki na isa kang ganap na Pinoy e parang ayaw mo pang gawin ito.

Habang naghihintay kahapon ng susunod na klase sa gym, nakita ko sa Editors Note ng Philippine Daily Inquirer ang patungkol sa RA 8491 o ang “Act Prescribing The Code of The National Flag, Anthem, Motto, Coat-Of-Arms, and Other Heraldic Items and Devices of the Philippines”. Nosebleed ba? Simple lang yun – yun ay ang batas na patungkol sa panuntunan sa katanggap-tanggap na paggamit ng mga bagay na pagkakakilanlan sa bansa (aka Acceptable Use Policy). Mayroon kasing isang Pinoy na katulad ko na nais maglahad ng mga bagay na di kanais-nais.

Ang nilalaman ng aking nabasa ay ganito:

I’ve noticed that several movie goers at SM Cinema do not pay respect by standing up when the National Anthem is played. I’ve even reprimanded the father who is sitting and eating conveniently with his wife and kid only to be replied back “How can I stand, I’m eating.” You might want to have a look into the law that states the whats, whens and the whys on this issue. The salient feature of the law is a penalty of P5,000 to P20,000 or 1 year imprisonment or both. May I suggest the following:

1. require your staff including your security officers to stay in the aisle of your theater to be witnesses and impose citizen’s arrest to the violators.

2. flash the salient points of the law at the beginning and the ending of the music video.

3. require policemen assigned at the malls to stay during the first and last showing. once there is a citizen’s arrest by your staff and security the violators will be immediately turned over to them.

Ang mahirap sa batas ng Pilipinas minsan ay maganda siyang basahin sa papel pero sa pagpapatupad ay dito tayo nagkakatalo. Hindi lamang sa batas na ito (RA 8491) ako napaka-partikular ngunit maging sa RA 9211 o ang patungkol sa paninigarilyo. Ang mga suhestyon na nabanggit sa itaas ay mga magandang hakbangin ngunit maraming burukrasyang daanan para sa pagpapatupad noon. Syempre, sino ang magbabayad sa “extra service” ng mga pulis na manghuhuli ng gayon, at syempre pilosopo si Juan De La Cruz na hihirit ng maraming alibi kung bakit hindi niya magawa ang simpleng pagtayo.

Ngunit di na ako magpapaliguy-ligoy pa, nais ko lang naman na sana sa kabila ng di matatawarang isyu na napapalibot sa ating pamahalaan at ilan pang mga isyung panlipunan, nawa’y hindi maging rason ito upang balewalain ang ating pagkakakilanlan. Pilipino tayo at sana sa maliit na pamamaraan na man lamang ng paggalang sa bandila ay ating magawa.

Wala lang, naiinis lang din kasi ako sa mga taong ganun.

Advertisements

6 thoughts on “Pilipino Ka Ba?

  1. Ako’y isang mamamayan na ngunit nasa ibang bansa na naninirahan ako’y sang ayon sa nilalaman ng iyong kasulatan. Sana nga na tayong mamamayan ay sundin ang mga batas na nakasulat hindi lamang sa isip subalit isagawa ng matuwid. Sa ganitong paraan magiging maayos at maunlad ang bansang Pilipinas at kilalanin na matuwid and ating sinagawang batas.

  2. Ako’y isang mamamayan na ngunit nasa ibang bansa na naninirahan ako’y sang ayon sa nilalaman ng iyong kasulatan. Sana nga na tayong mamamayan ay sundin ang mga batas na nakasulat hindi lamang sa isip subalit isagawa ng matuwid. Sa ganitong paraan magiging maayos at maunlad ang bansang Pilipinas at kilalanin na matuwid and ating sinagawang batas

  3. Ako’y isang mamamayan na ngunit nasa ibang bansa na naninirahan ako’y sang ayon sa nilalaman ng iyong kasulatan. Sana nga na tayong mamamayan ay sundin ang mga batas na nakasulat hindi lamang sa isip subalit isagawa ng matuwid. Sa ganitong paraan magiging maayos at maunlad ang bansang Pilipinas at kilalanin na matuwid and ating sinagawang batas.datapwat maganda irn ang migaing tunay na plipino noh!!!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s