Ang Sarap Mabuhay

puntod.jpg

Sa aking pagpasok ng gym kahapon, nagulantang ako sa balita na ipinaalam sa akin ng aking kasamahan sa gym. Binanggit niya na ang isa sa mga kasamahan namin ay nagpakatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng lason – yung pantanggal ba ng pambara sa baradong lababo.

Napatigil ako sandali sa pag-aalala sa taong iyon. Bagama’t di ko siya kabanggaang-siko, isa siya sa mga tao na madalas kong makasama sa gym tuwing umaga at tuwing ako’y nagwowork-out ng weekends. Inakala ko na nga na dun na siya nakatira dahil sa kabila ng bawas ng dalas ng aking pagpunta sa gym, lagi ko siya nakikita.

Huli ko siyang nakita noong Martes at katabi ko pa siya halos sa RPM class. Tahimik siya at tila walang bakas ng problema. Sa aking pagkakaalam ng iyong pagpanaw, hindi ko akalain kung paano mo natiis ang pagdurusa ng 3 araw sa pag-inom ng Sosa. Bastos mang sabihin ngunit hangal masyado ang magpatiwakal at tapusin ang iyong buhay. Sana naisip mo na hindi lang ikaw ang may problema. Sana nagawi ka rin sa ICU ng anumang ospital, sa mga taong naghihingalo, para makita ang mga taong lumalaban na gusto pang mabuhay.

Hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit napagdesisyunan na tapusin ang iyong buhay. Marahil nangugunang kadahilanan na ang bigat ng problema na dinadala. Minsan ang buhay ay sadyang mapagbiro. Ang mga pagsubok ay dumarating hindi lang dahil gusto tayo nitong pahirapan ngunit pamamaraan ito ng Dakilang Lumikha na subukin ang ating lakas ng loob at diskarte sa buhay. Aaminin ko sa iyo, hindi ako perpekto. Sa kabila ng mga ngiti na iyong nakikita sa aking mukha sa tuwing nagkukrus ang ating mga mata ay may dala rin akong problema. Problema sa pamilya, sa puso, sa trabaho, sa pera, at sa kung ano pa man. Pero iyon ang ilan sa mga pinaka-sangkap ng buhay. Iyon ang dahilan kung bakit ang sarap mabuhay. Ika nga, ito ang mga “highlights” upang mas maging buo ang pagkatao natin. Mantakin mo nga ako, sa sobrang pagmamahal ko sa taong hindi ako minahal, hinayaan ko na lamang na bukas ang puso ko sa kanya. Hindi ko alam kung magiging kami pa nga pero ipinauubaya ko na lang kung saan ako dadalhin ng pag-ibig ko sa kanya.

Bagamat hindi lubos ang aking pagkakakilala ko sa iyo, hangad ko ang katahimikan ng iyong kaluluwa. Hindi kita madadalaw sa iyong burol dahil bukod sa marami akong responsibilidad na dapat tapusin, nahihiya akong dumalaw sa aking kaibigan na hindi ko natulungan. Sana noong nabubuhay ka pa, nagkaroon tayo ng pagkakataon na mag-usap at nang matuto tayo sa sasabihin ng bawat isa. Baka nakapagbigay ka sa akin ng payo na magagamit ko gayundin sa akin na maaaring magamit mo.

Paalam kaibigan, hanggang sa muling pagkikita.

– Sinulat sa alaala ni R.M. Isang masugid na kliyente ng Fitness First.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s