Ang Sanay

alone2.jpg

Ang Sanay

Sanay akong mag-isang nagmumuni
Sa aking kama sa malamig na gabi
Iniisip kung ika’y nasa aking tabi
Kayakap, kasama habang nakangiti

Sanay akong magsulat ng tula
Sa bawat panahong ika’y naaalala
Nangangarap minsan na mabasa mo
Kung anong tinitibok ng puso ko sa iyo

Sanay akong mag-alay ng bulaklak
Sa aking iniirog, tunay na mahalimuyak
Ika’y higit sa ganda ng mga pulang rosas
Na sa paglipas ng panaho’y tila walang kupas

Ngunit, sanay rin akong mabigo
Sa di mabilang na panahong ako’y niloko
Inakala na sa awit ng aking puso
Ang magpapalambot sa puso mong bato

Sa kabila ng lahat, lubos ko nang natanggap
Na ang makasama ka sa tuwina ay isang pangarap
Na minsang hinangad na ika’y mapasakin
At maramdaman mo ang tunay kong damdamin

Ito ang katotohanang masakit tanggapin
Na ako’y naging sa puso mo’y alipin
Sanay na akong umasa sa wala
At maging masaya na lamang sa iyong alaala

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s