Untitled

My machine in the office is quite slow. Although this isn’t my permanent PC assignment yet, it takes me time before the scripts are being loaded in the screen. Out of boredom, I wrote a poem in Filipino with no title. I don’t know exactly on what title to put but the poem describes what I currently feel now that an old fling of mine has came back from circulation. After 2 years of misunderstanding, bitterness (and all the negative stuff you put in a relationship – err, “friends” relationship), we became “friends” again.

Although some of my close friends know how much I treasure her, seems like it would be impossible for us to be a couple. Perhaps, I don’t have the guts to open it up to her to think that even if before we parted ways back in 2005, there was no indication that I was about to tell her that I plan to court her. Anyway, here’s the poem:


May bakas ng luha ang iyong mga mata
Sa ganoong paraang kita unang nakita
Nagdaramdam sa kinahinatnan ng iyong relasyon
Sa iyong minamahal sa nakalipas na taon


Lumapit ako at nakinig sa iyo
Doon ko nalaman ang mapait na kwento
Di biro pala ang magmahal nang lubusan
Dahil mahirap tanggapin pag ika’y iwanan


Sinamahan kita sa iyong pagdaramdam
Nakinig sa mga wika mo kahit na may agam-agam
Na baka sa tiwalang ibinigay mo’y mapaibig ako sa iyo
Kahit na ang maging kapalit ay ang paglayo mo


Sa paglipas ng panahon, unti-unti ka nang nakakabangon
Nakakabawi mula sa malungkot na kahapon
Nakita ang ngiti sa labi sa unang pagkakataon
Tanda ng pagharap muli sa mga darating na hamon


Masasayang sandali ang ating pinagsamahan
Ngunit ang mga ito’y pawang panandalian
Di akalain na sa isang munting biro
Ika’y masasaktan at bigla na lamang lumayo


Dumaan ang segundo, oras, linggo at buwan
Ako’y nag-alala sa iyong kalagayan
Nagtataka kung bakit kailangang magkahiwalay
Ngayon pa’t ako’y may pagtanging alay


Masakit isipin na sa iyong paglayo
Taglay ko ang sakit ng pagwalay mo
Masasabi ko bang mahal kita
Kahit sa sandaling panahong ika’y aking nakilala


Di naglaon, nawala ka na ng tuluyan
Larawan mo’y unti-unting nawala sa isipan
Lumayo sa anumang makapagpapaalala sa yo
Kahit alam kong masakit gawin ang mga ito


Higit sa dalawang taong nagdaan, muli kitang nasilayan
Muling nanumbalik ang iyong pagkakilanlan
Kasabay nito ang muling paghanga
Na minsang inalay na nauwi sa wala


Masaya akong makausap kang ulit
Tila wala na ang iyong itinanim na galit
Masaya na rin ako na kahit sa ganoon
Nakita kita ulit sa tagal ng panahon


Ililihim ko na lang ang aking nararamdaman
Pagod na akong umasa, umibig at masaktan
Kahit alam kong sa loob ay napakasakit
Huwag lang ang nakaraan ay maulit

Sad isn’t it? 😦

Advertisements

One thought on “Untitled

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s